Ilang bansa, ilang international airports na ang napuntahan ko. Sa bawat paglalakbay ay iba’t ibang, tao, kultura, at ugali ang nasasaksihan ko. hindi naman maikakaila na mataas ang reputasyon ng mga “white” people. Parang kahit anong dalas ko nang naglalakbay ay naiintimidate pa rin ako sa kanila. May something talaga sila eh. Parang sobrang reputable nila - parang, sila ang ideal people. “Parang” lang naman, hindi ko sinasabing oo.

Anyway, hindi naman yun yung sasabihin ko dito. Napansin ko lang ang mga atityud ng mga ibang Pinoy na talagang di ko nagustuhan. 

Una ay, LAGI SILANG NAGUUNAHAN. Sa pagsakay, sa pagupo, sa paglabas, sa pagpipiktyuuur, laahat. Ewan, sobrang unorganized. Para silang maiiwanan ng eroplano. Per seat zone naman tinatawag ang mga pasahero kaya siguradong may enough time to find your seat at mag-ayos ng gamit sa loob. Tyaka may kanya kanya namang waiting area bawat flight (na enclosed room) kaya basta’t nandun ka sa waiting area na yun, for sure namang makakasakay ka kahit anong mangyari. Wala ring time limit pala. Hahaha.


Pangalawa ay, may pagkaYABANG. Well, pagka lang naman. Siguro confidence na umover. Ewan. Basta. Pero sa kabila ng lahat, mas marami namang good qualities ang Pilipino na dapat ipagmalaki. :)

He’s really annoying. I hate him but duh, hahahaha, we’re still friends. Para lang kaming baliw no? Ang weird pero funny at the same time. I like it. Sorry dude for being the drama Queeen. :P 

Hello tumblr! Ayan, as a part of my tumblr ritual, pinost ko yung grade ko for this sem. Medyo masakit nga lang sa paningin dahil for the first time, nag drop ako. Don’t get me wrong. Hindi ko lang talaga gusto ang Chem kaya medyo maaga pa eh drinop ko na. Well, mabigat sa kalooban kong idrop ang Chem 1 dahil feeling ko sinayang ko ang isang sobrang magandang blessing/miracle. You don’t know how I got that subject. Hihihi. Oh well, at least I’m still a College Scholar. But I definitely regard this GWA as my lowest. 

X))) Yung tipong pinublic mo yung birthday mo sa facebook kasi umaasa kang babatiin ka ng crush mo. hahahaha. 

#SirPelias

Yes worst sem ko to. You know why? Kasi yung sem na to puno ng bullshits. Mapa acad, social, family, financial, lovelife, spiritual, lahat na yata ng aspeto ng buhay ko problema.

Tapos, dadagdag ka pa? Dude. Stop being an immature person. Ni hindi mo nga alam kung anong mga problema ko tapos idadagdag mo pa yang tampo mo sakin? Eh di bahala ka. Nakakaasar.

Ayan. Isang buwan na lang debut ko na. Walang party, walang magarbong damit. Pero may BAGONG PHONE naman! Yun yun eh! LADIES AND GENTLEMAN I PRESENT TO YOU… MY NEW… SAMSUMG GALAXY… EEEEEEEEESSSSSS THREEEEEEEE!!!! *Woohoo* *Clap clap* *Applause*

Natuwa ako much. Eh kasi naman, matagal ko nang pinapangarap to. Medyo masakit sa bulsa (at konsensiya) nga lang ang pagbili ni Papa ng S3. Oh well, mamaya na maguilty. Hihihi

One word: awesome. Barkada, tropa pero may respeto pa rin. Masaya ako na nagkaroon ako ng isang prof katulad niya. 

Last December 14, naganap ang UPD 2012 Lantern Parade. Overall masaya siya dahil first time kong sumama ng parade. Well, ang hindi lang magandang nangyari nung araw na yun, is namiss kong manood ng Oblation and super sama ng pakiramdam ko at sa dulo ng araw ay nagsuka ako ng tatlong beses. Dalawang beses sa may ampitheater at isang beses sa may sakayan ng tricycle papunta samin.

Paano kaya kung bigla akong magbago. Yung tipong, manahimik na lang ako bigla, mag-aaral na lang ng mag-aaral, maging snob, at bihira na lang tumawa. Hindi na ako madalas magfacebook at mag twitter at Tumblr na lang magiging social networking site ko. Magiging sobrang introvert ako. Tipong takot ako sa tao tulad nung bata ako. Nawawalan ako ng gana. Naghahanap ako ng taong maiiyakan ko. Yung makikita yung itinatago kong Alyssa. Bipolar ako alam ko. May dalawang katauhan, yung alam ng marami, at yung alam ko lang. Isang masiyahing bata, at isang anino na nagtatago sa likod ng masiyahing bata. Takot magpakita, takot makilala. Pero nahihirapan na siyang makisabay dahil lumalaki na ang aninong yun. Unti unti ay sinasakop niya ang masiyahing bata. Unti unti ay nagiging siya ang tunay na Alyssa. 

  • Me: hello there.
  • Stranger: Ui! I got you before na!
  • Stranger: Ang galing.
  • Me: Huh? Paano ka naman nakakasiguro na ako yun?
  • Stranger: Dahil sa hello there?
  • Me: Porket nag hello there dapat iisang tao na agad?
  • Stranger: Sorry na. *insert conyo statement here basta ang dulo ay chaos*
  • Stranger: I forgot why I dc-ed you a while ago (grabe ang conyo talaga)
  • Me: Chaos? Anong Chaos?
  • Stranger: $h!+! HAHAHAHAHA! (hala! nagmukha atang hindi ko alam ang ibig sabihin ng chaos)
  • Me: Bakit? Anong problema?
  • Stranger: Wala lang. Hahahaha
  • Stranger: You're from uplb diba? (hanggang ngayon ba naman iniinsist ni ate na ako yung nakausap niya kanina?)
  • Me: For your information I'm not. I'm from UP Diliman
  • Stranger: So, talagang capslock ang up? Freshie???! HAHAHA!
  • Me: (naiirita na sa mga assumptions and generalizations niya) Hindi. INSTRUCTOR ako.
  • Stranger: O.o Seryoso po?
  • Me: Pwede wag masyadong assuming? At wag rin masyadong conyo. Nakakbobo yun. Higit sa lahat, wag kang uto uto. Bye.
Load more posts